Thursday, August 1, 2019

Bakit nga ba sinisisi parati ang nurse?

Bakit nga ba sinisisi parati ang nurse?
1. Di inasikaso yung pasyente
2. Walang pakielam sa pasyente
3. Pinapalabas sa waiting area
4. Pinapabalik sa OPD sa Lunes (eh Friday pa ngayon)
5. Di daw inasikaso manganganak na
6. Di daw na triage ng maayos
7. Di daw pinansin kanina pa dumating
8. Di tinulungan magpalit ng diaper
9. Pinaghintay daw ng 2-4 hours bago asikasuhin
Realidad sa Pilipinas:
1. Understaff sila 1:30 patients pero kinakaya. Wala eh. Basta mabigyan ko lang sila kung ano kailangan nila wag na mag expect ng therapeutic communication may kailangan akong i-pressure dressing dun oh. Sabay takbo sa kabilang pasyente.
2. Underpaid din. 8,000 monthly walang 13th month, SSS, Philhealth, bonus, OT, contractual pa rin after 3 years puro J.O every 3 months no choice eh kesa volunteer mamili ka?
3. Walang nakaka appreciate samin. Pag teacher ka, dami mong regalo pag teachers day kami wala talaga pramis. Inggitera lang ang peg. Pero minsan may nag tthank you naman samin grabe nakakalambot na talaga ng puso yun.
4. Walang doktor. Meron naman pero isa lang sa buong ospital na may 70+ pasyente tapos gusto mo special treatment ka pa? Iwan yung 70 na pasyente para sayo di ka naman red tag according sa triage namin
5. Walang gamit. Syempre kailangan ng pasyente ng mga spesyalista sa baga- lipat ka ng Lung Center, mataas na bp na di bumababa- lipat ka sa heart center. Nifedipine at Captopril lang kaya naming ibigay sayo. Wala kami ng kailangan mong cardio, pulmo, endo, ortho kaya THOC ka lipat ospital. Hello isa lang kaya cardiac monitor at ECG machine namin! Ginagamit na ng nag aarrest samin at 2 thermometer at 2 bp app! Ang layo ng mararating nito- nakabuhay talaga ng pasyente!
6. O tapos darating ka ba naman kasi sa ospital para umire na lang. Walang check up! Pano kung yung dinadala mo di pala kasya lumabas sa sipitsipitan mo? Eh di kami pa may kasalanan kasi pinilit mong ilabas. Walang ultrasound. Pano kung bawal pala sa NSD yan, or mataas bp mo kailangan ka pa lang ma-CS kala mo lang ganon kadali yun?
7. Nilalagnat na anak mo ng ilang araw di pa pinacheck up tapos pag nag kumbulsyon bigla kang magpapanic. Okay lang naman sakin yun tutulungan parin naman kita kaso pag nagpapanic ka di lang nakakatulong, tulungan mo na lang akong magpunas habang kinakabitan ko sya ng oxygen mask. Eh di win-win pa tayo.
8. Umuubo rin. Hirap huminga. Ilang araw na di man lang pinacheck up nung maaga pa lang. Hinayaang lumala. Nakakalungkot lang kasi nakakaawa talaga yung mga bata infairness.
9. Mag- iinsert ka ng IV porket di mo nainsertan ng isa feeling incompetent ka na dahil may nag "tsk tsk" sa tabi mo. Aawayin ka pa bakit di mainsertan? Eh ikaw kaya mag insert? Araw araw ko tong ginagawa di naman lahat maganda ugat. Pasensya naman. Di ko naman gusto burdahan pasyente mo eh. Gusto ko nga one shot lang ako pero kung di ko kaya ipapasa ko sa mas superior sakin.
10. Basta sa totoo lang, ang dami nyo talaga!! Iilan lang kaming nakaduty di ko kayo kayang puntahan lahat sabay sabay di naman ako octopus! Wag nyo naman kami sisihin kung di ka namin napansin kasi ang daming agaw buhay din sa loob kala mo lang wala kaming ginagawa. Pinagtyagaan na nga namin mag trabaho dito pero di talaga maganda tong profession namin. Walang makaka appreciate samin dito sa Pilipinas. Nabbulok lang talaga sistema ng healthcare dito sa Pilipinas! Oo sige na nga, kami na may kasalanan.
Sabay walk out! Lipad sa UK na lang! Go nurses!

No comments:

Post a Comment